Sa patulong na nagbabagong gaming landscape, kung saan ang nakaraan at kasalukuyan ay madalas nagbabanggaan, lumilitaw ang NeverAwake bilang isang laro para sa retro gamers na naghahanap ng pinaghalong klasikong nostalgia at makabagong inobasyon.

Ang natatanging titulo na ito ay sinasama ang mga elemento ng classic shoot ’em up games sa modernong pagkukuwento at game design, kaya nakakagawa ito ng karanasan na umaakit sa mga batikang retro shooter fans maging sa mga baguhan.

Maghanda sa isang paglalakbay dahil ilalahad namin ang lahat ng mga rason kung bakit karapat-dapat mapabilang sa iyong gaming library ang dream shooter na ito.



Ang NeverAwake ay isang must-play game para sa lahat ng klase ng gamers

Gaming NeverAwake
Credit: Neotro Inc.

Para sa mga taong naaalala ang mga pixelated na landscape at prangka ngunit mapaghamong gameplay ng mga klasikong shoot ’em up title, ang NeverAwake ay nagsisilbing isang masayang pagsabog mula sa nakaraan.

Maligaw sa NeverAwake, isang bangungot na gugustuhin mong maranasan

Ang laro ay nagbibigay-pugay sa ginintuang panahon ng mga arcade shooter, na tinatanggap ang pagiging simple at lupit na taglay ng 2D shooter genre. Ang fans ng timeless classics tulad ng Space Invaders o Asteroids ay makikita ang kanilang sarili sa pamilyar na lugar.

Ibinabalik ng NeverAwake ang kilig sa pag-iwas sa mga projectile, pagharap sa walang tigil na dagsa ng mga kalaban, at pagsusumikap para sa mailap na high score.

Gaming NeverAwake
Credit: Neotro Inc.

Sa pagkilala sa mga artistikong sensibilidad ng mga retro shooter, lahat ng makikita mo sa NeverAwake ay iginuhit ng kamay. Ang mga biswal na metikulosong ginawa ay nagdadala sa mga manlalaro pabalik sa isang panahon kung kailan ang bawat pixel ay nagpahayag ng kakayahan ng artist.

Mula sa mga nakakatakot na nilalang hanggang sa kagila-gilalas na background, ang iginuhit ng kamay na aesthetic ay hindi lamang nagbibigay-pugay sa nakaraan — pinatataas nito ang buong karanasan sa paglalaro.

Bakit ang NeverAwake ang ultimate shoot ‘em up game na dapat mong subukan

Ang bawat frame ay isang gawa ng sining, na pumupukaw sa kagandahan at pagkakayari na nakapagpapaalaala sa mga klasikong pamagat na bumihag sa puso ng mga retro na manlalaro.

Habang ang ‘NeverAwake’ ay nagdadala sa mga manlalaro sa pamilyar na klasikong shoot ’em up mechanics, matapang nitong inihahalo ang modernong pagkukuwento at disenyo ng laro sa gameplay nito.

Gaming NeverAwake
Credit: Neotro Inc.

Ang istorya ng NeverAwake ay nagsisimula nang may lalim na bihirang makita sa mga pamagat na retro. Hango ito sa mga bangungot ng isang batang babae na nagngangalang Rem. Ang mga panaginip na ito ay hindi lamang isang backdrop — nagiging mahalagang bahagi sila ng karanasan sa paglalaro dahil nagbibigay ito ng emosyonal na diin at isang mapang-akit na kuwento na hinigitan ang karaniwang shoot ’em up narrative.

Mag-relax kasama ang NeverAwake: Isang kanlungan para sa stressed competitive gamers

Maganda ang pagbabalanse ng NeverAwake sa mga pinakamagagandang bagay sa magkaibang henerasyon. Nag-aalok sa mga tagahanga ng klasikong laro ng pagiging simple at pagkakaroon ng adrenaline rush ng klasikong twin-stick shooter gameplay, habang swabeng isinasama ang naratibo at disenyo ng modernong gaming.

Kung ikaw man ay isang taong naghahanap nostalgia na nakabihag sa iyo noong naglaro ka ng retro titles, at gusto mong makakita ng napakagandang sining at salaysay, o humahagilap lamang ng adrenaline na ibinibigay ng isang old-school shoot ’em up, lahat ng iyan ay matatagpuan mo sa NeverAwake.

Gaming NeverAwake
Credit: Neotro Inc.

Ang NeverAwake ay kasalukuyang available sa Steam sa halagang US$19.99 na may 9/10 rating. Mabibili rin ang laro nang digital sa halagang US$24.99 sa Nintendo Switch, PlayStation 4 at 5, at Xbox Series X.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa gaming at esports.

BASAHIN: Party Animals review: Subukan ang cute at nakaaliw na party game na ito