Maglalaglagan sa ikalawang round ng lower bracket ng M3 World Championship playoffs ang Blacklist International at ONIC Esports.

Bago sumabak ang dalawang kampeon ng kani-kanilang Mobile Legends: Bang Bang Professional League, nakapanayam ng ONE Esports si Muhammad “Butss” Satrya Sanubari tungkol sa naging performance nila sa group stage at sa paparating na harapang BLCK vs ONIC.

Mahalagang lesson ang group stage ng M3 para kay ONIC Butsss

ONIC Esports
Credit: Moonton

Pumasok ang ONIC Esports sa M3 bitbit ang dangal mula sa pagiging kampeon ng MPL Indonesia Season 8 at ONE Esports MPL Invitational 2021.

Pero sa ‘di inaasahang pagkakataon, nabigo ang mga hedgehog kontra Keyd Stars ng Brazil at Todak ng Malaysia sa group stage ng tumatakbong turneo. Tinapos nila ang kampanya sa Group B na may 1-2 win-loss record, dahilan para ma-seed sila lower bracket ng playoffs.

“Pada fase grup kami mendapat hasil yang kurang memuaskan. Itu membuat kami sadar diri saja, lebih try hard ke depannya di lower bracket. Soalnya kan sudah tak ada kesempatan lagi kalau kalah,” paliwanag niya.

(Hindi maganda ang naging resulta namin sa group stage. Dahil dito, naging self-conscious kami na galingan sa lower bracket. Wala nang tsansa ‘pag natalo pa kami.)

Hindi meta ang labanan sa pagitan ng BLCK vs ONIC ID

BLCK vs ONIC ID
Credit: Moonton

Dahil kinapos ang Blacklist International kontra BloodThirstyKings ng North America sa unang round ng upper bracket, napa-aga tuloy ang rematch ng ONE Esports MPLI 2021 grand finalists sa M3.

Matatandaang tinalo ng ONIC Esports ang koponang pinangungunahan ni Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna sa nasabing turneo matapos ipamalas ng mga Indonesian ang malawak nilang hero pool na pinarisan pa ng malupit na performance mula sa jungler nilang si Gilang “Sanz”.

Ngayong mauulit ang bakbakang BLCK vs ONIC, inamin ni Butsss na hindi lang meta ang magiging batayan sa pagkapanalo ng alin mang koponan.

“META Blacklist memang old school dan template. Tapi karena individual mereka kuat ga masalah. Karena BTK lebih kuat saja kemarin sehingga Blacklist kalah,” sabi niya.

(Totoong old school at templated ang meta ng Blacklist, pero dahil malalakas sila individually, hindi na kaso ‘to. Mas malakas ang BTK kaya natalo ang Blacklist.)

“Skill kami dan Blacklist sama saja, tapi lebih ke arah mental. Tak ada pengaruh kepada META sekarang,” sambit ng tubong Bandung.

(Pantay lang ang skills namin sa Blacklist, kaya mas laban ito ng mentality. Wala nang silbi ang meta ngayon.)


M3 World Championship Playoff Bracket Day 3

Nakatakdang iraos ang BLCK vs ONIC ID sa ganap na ika-12 ng tanghali. Masusubaybayan ang opisyal na Filipino broadcast sa Facebook page at YouTube channel ng Mobile Legends: Bang Bang.

Maaari niyong sundan ang mga pangyayari sa M3 sa pamamagitan ng pag-like sa ONE Esports Philippines Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Dlarskie sa estado ng PH teams sa M3: ‘Ipapakita namin kung paano namin itataas ang bandera ng Pinas’