Ang Heneral ay isa nang ghoul!

Nakuha ng Burmese Ghouls ang Filipino player na si Gerald “Dlar” Trinchera bago ang regional qualifier ng Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2024 (MSC 2024).

Sa pagpirma na ito, ang M3 World Championship runner-up ay naging unang Filipino import na maglalaro para sa isang koponang base sa Myanmar.

IBA PANG MLBB GUIDES
Sabi ni KarlTzy, gamitin mo ang 3 heroes na ‘to para makapag-Mythical Glory
I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban
Gusion Guide ni ECHO Sanji: Item build, emblem, battle spell, at combo
Patumbahin si Alucard gamit ang 3 hero na ‘to sa Mobile Legends
Swak ang magic item na Starlium Scythe sa mages na ito

Dlar nagbabalik sa pro scene sa ilalim ng bandera ng Burmese Ghouls

EVOS Legends player Gerald "Dlar" Trinchera
Credit: Dlar

Si Dlar ay bumabalik sa professional MLBB scene matapos ang kanyang roller coaster na karera sa EVOS Esports sa Indonesia.

Sa kanyang unang season sa EVOS Legends sa MPL Indonesia, ang Filipino EXP laner ay nagkaroon lamang ng limitadong oras na paglalaro.

Matapos ang ilang linggo, inilipat siya ng organisasyon sa kanilang MDL team, ang EVOS Icon, para sa natitirang bahagi ng Season 10.

Sa Season 11, siya ay naging isang full-time content creator para sa organisasyon. Sa sumunod na season, bumalik siya sa main roster ng EVOS Legends matapos ang kanyang kahusayan sa MSC 2023.

MPL ID Season 10 EVOS Legends EXP laner, Gerald "Dlar" Trinchera
Credit: ONE Esports

Gayunpaman, siya ay na-sideline upang magbigay-daan kay Regi “Fluffy” Marviola sa regular season.

Sa ikalimang linggo ng MPL ID Season 12, nagpasya si Dlar na lumisan sa organisasyon at maging isang free agent.

Ngayon sa ilalim ng Burmese Ghouls, ang dating bituin ng ONIC Philippines ay maglalayon na buhayin ang kanyang karera sa MLBB, kasama ang Pilipinong coach na si Steven “Dale” Vitug.

Lalaban sila sa MSC 2024 Myanmar Qualifier, kung saan mayroong iisang tiket lamang na available para sa international tournament.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: 3 malalakas na early game heroes para mabilis na makarating sa Mythical Immortal