Sa katatapos lang na Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 9, may mga bagong kinoronahang MPL PH champions na itinuturing na pinakamahusay sa ating bansa. Pero sino-sino na nga ba ang tinanghal na mga kampeon sa pinakaprestihiyosong liga ng esports sa Pilipinas?
Hindi maikakaila na ang Mobile Legends: Bang Bang ang pinakapopular na game sa Pinas. Kaya hindi nakakapagtaka na marami ang nakaabang sa liga na kaakibat ng nasabing laro. Narito ang listahan ng mga MPL PH champions ng kasalukuyan at nagdaang mga seasons.
Listahan ng mga MPL champions
Aether Main
MPL PH Season 1 (2018)

Ang mga unang MPL PH champions na hinawakan ng MLBB star na si AkoSiDogie. Ang Aether Main ay kinuha ng Bren Esports at naging kinatawan nito sa MSC 2018 kung saan sila rin ang naging kampeon.
Cignal Ultra
MPL PH Season 2 (2018)

Ang unang team na tumalo sa Bren Esports (dating Aether Main) grand finals.
Ang season na ito ay nagsimula noong October 2018 at nagtapos noong January 2019, kung kaya’t ito ang natatanging MPL season na tumawid sa dalawang taon.
ArkAngel
MPL PH Season 3 (2019)

Muli na namang tumungtong sa grand finals ang Bren Esports ngunit napigilan sila ng darkhorse ng tournament, ang ArkAngel.
Sunsparks
MPL PH Season 4 (2019)

Nakaharap ng Sunsparks ang lyamadong ONIC Philippines na pinapaborang magiging MPL PH champions ng season na ito sa score na 2-1. Subalit sa makasaysayang depensa ni Christian “Rafflesia” Fajura, nagawa nilang baligtarin ang laban upang magkaroon ng Game 5, ipanalo ang buong series, at tuluyang iuwi ang tropeyo.
Sunsparks
MPL PH Season 5 (2020)

Muling nagkaharap ang Sunsparks at ONIC Philippines sa grand finals para sa isang rematch. Ngunit hindi pa rin natinag ang Sunsparks at tinanghal na kauna-unahang back-to-back champions ng MPL PH.
Bren Esports
MPL PH Season 6 (2020)

Sa season na ito muling nagliyab ang mga katagang “Bren lang malakas”.
Pagkatapos maging MPL champions, naging kinatawan din ng bansa ang Bren Esports, kasama ang Omega Esports, sa M2 World Championship kung saan inuwi nila ang tropeyo ng piankaprestihiyosong titulo sa larangan ng MLBB esports.
Blacklist International
MPL PH Season 7 (2021)

Nagwagi ang Blacklist International laban sa Execration sa kabila ng pagiging dehado sa score na 1-3 sa Game 5.
Blacklist International
MPL PH Season 8 (2021)

Isang malaking pagbabago sa liga nang magkaron ito ng franchise-league system sa ikawalong season.
Nagtuos ang Blacklist International at ONIC Philippines sa grand finals kung saan nagawa ng Blacklist na maging ikalawang back-to-back MPL PH champions sa kasaysayan ng liga.
Muling nagharap ang dalawang koponan sa M3 World Championship grand finals kung saan muling nagtagumpay ang Blacklist sa score na 4-0 sa kabila ng pagkakalaglag nila papuntang lower bracket sa unang round ng playoffs.
RSG Philippines
MPL PH Season 9 (2022)

Sa pinakahuling season ng MPL PH, hinarap ng RSG Philippines ang mga tinaguriang Kings of Southeast Asia at kampeon ng MSC na Smart Omega sa score na 4-1.
Sa panalong ito, pinatunayan ng RSG Philippines na karapatdapat sila, hindi lang sa bansag na King Slayers, kung hindi ang mapabilang sa magiting na hanay ng mga MPL PH champions.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.