In-update nitong Nobyembre 27, 12 p.m. (GMT +8): Idinagdag ang Team SMG at Team Lilgun.
Matapos ang isang taon nang walang humpay na aksyon sa Mobile Legends: Bang Bang esports, ang pinakamalaking event ng season ay gaganapin sa Pilipinas — ang M5 World Championship.
Ang prestihiyosong torneo ang pinakahuling major MLBB event ngayong taon, at nakataya rito ang nakakamanghang US$900,000 o mahigit PHP50 milyon na prize pool.
Narito ang lahat ng 16 teams na sasabak sa M5 World Championship.
- Team Flash pinatalsik ang 3-time champs, nilista ang pinakamalaking upset sa MPL SG
- ONIC Esports nagtala ng three-peat matapos ipanalo ang MPL ID Season 12 grand final
Heto ang lahat ng mga koponang kasali sa M5 World Championship

| LIGA/TORNEO | KOPONAN |
| MPL PH Season 12 | AP Bren Blacklist International |
| MPL ID Season 12 | ONIC Esports Geek Fam |
| MPL SG Season 6 | Team Flash |
| MPL MY Season 12 | HomeBois |
| MPL KH Autumn 2023 | SeeYouSoon |
| MPL MENA Fall 2023 | Triple Esports |
| LIGA LATAM 2023 | RRQ Akira Bigetron Sons |
| MLBB Continental Championships Season 2 | Deus Vult |
| MTC Turkiye Championship Season 2 | Fire Flux |
| M5 Myanmar Qualifier | Burmese Ghouls |
| NACT Fall 2023 | TheOhioBrothers |
| M5 Wild Card | Team SMG Team Lilgun |
Sa kauna-unahang pagkakataon, magbibigay ang Moonton Games ng dalawang slot sa unang M5 Wild Card. Nagbubukas ito ng pinto para sa mga rehiyon tulad ng China at South Asia na mag-debut sa global MLBB stage.
Ang M5 Wild Card ay idaraos offline sa Kuala Lumpur, Malaysia, ilang araw bago magsimula ang mismong world championship.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita at guides patungkol sa MLBB.