Isa ang Brody sa marksmen sa Mobile Legends: Bang Bang na parehong mahal at kinamumuhian ng players. Pambihira kasi ang attack damage ng hero. Gayunpaman, siya ang may pinakamabagal na attack speed sa marksman class sa laro.

Sa sobrang taas ng attack damage niya ay kahit isang offensive items at limang defensive items ay gagana sa kaniya sa ilang sitwasyon. Pambihira siya bilang kakampi, at bangungot naman bilang kalaban.

3 best items para kay Brody upang pumunit ng mga kalaban sa MLBB

Ngunit gaya ng heroes sa kaniyang class sa laro, burst damage at crowd-control ang pangontra sa Brody.

Heto ang ilan sa heroes na dapat mong i-pick kapag kaharap ang Lone Star sa ranked games.



3 heroes na maaaring pangontra sa Brody sa Mobile Legends

Hayabusa

Mobile Legends: Bang Bang assassin Hayabusa
Credit: Moonton Games

Totoo, hindi madaling matutunan ang paggamit sa Hatabusa pero perpekto ang kaniyang kit sa karamihan ng marksman sa laro, kasama na ang Lone Star.

Maaaring gamitin ang Ougi: Shadow Kill para magpakawala ng matinding damage kontra sa kalabang marksman, habang tinatanggal ang kahit anong paraan para makaipon ng stacks para sa kaniyang passive. Mas epektibo ito kapag mag-isa ang kalabang hero.

Sa 1v1, gamitin ang Ninjutsu: Quad Shadow at batuhan ng Ninjutsu: Phantom Shuriken. Ipagpatuloy ang pag-popoke at gamitin ang shadows para makalayo kung makikipagpalitan ang Brody. Tapusin siya gamit ang Shadow Kill bilang panapos.

IBA PANG MLBB GUIDES
Painitin si X.Borg gamit ang 3 best items na ‘to sa Mobile Legends
Paano itago ang match history sa Mobile Legends
Padapain si Alpha gamit ang 3 best hero counters na ‘to sa MLBB
4 roaming blessings sa Mobile Legends at best heroes para sa mga ito
Puksain si Hanzo sa MLBB gamit ang 3 pangontrang hero na ‘to

Ling

Mobile Legends: Bang Bang Seren Plume Ling skin
Credit: Moonton Games

Isa pang assassin na kayang magpahirap sa buhay ng Brody ang Ling. Ito ay dagil sa kaniyang pambihirang mobility na kayang mabilis na pasukin ang Lone star para maburst-down ito.

Maganda rin ang Finch Poise para makatakas sa labanan kapag nakaipon na ng stacks ang Brody sayo. Sa puntong i-aactivate niya nag Torn-Apart Memory, gamitin ang Tempest of Blades para maiwasan ultimate ng kalaban, o di kaya naman agresibong i-activate ito para malapnos ang marksman.

Claude

Credit: Moonton Games

Gaya ng Hayabusa, ang Claude ay isang hero na kayang lumusaw sa kahit sinong kalaban kapag nakakuha na siya ng kaniyang mga core item. Mobility pa lamang ay hindi uubra ang Brody sa 1v1 matchup.

Ang isa sa pinakamalaking rason kung bakit isa siya sa pinakamadulas na hero sa Land of Dawn ay ang kaniyang Battle Mirror Image at Blazing Duet combo. 

Kapag pumasok na siya sa labanan gamit ang kaniyang ultimate, maaaring subukan ng Lone Star na i-stun ito gamit ang Corrosive Strike para makakuha ng ilang stacks. Gayunpaman, maaari kasing bumalik sa mirror image ang Claude at makalayo sa range ng Torn-Apart Memory.

Kasama ng tamang timing, positioning at itemization, walang paraan para hindi kayanin ng Claude ang Brody.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends

BASAHIN: Pataubin si Karrie gamit ang 3 counters na ‘to sa MLBB