Magbabalik ang Kings of SEA sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC) para depensahan ang kanilang titulo.

Ito ay matapos walisin ng Smart Omega ang TNC Pro Team sa lower bracket final ng MPL Philippines Season 9. Binawian ng Barangay ang koponang naging dahilan kung bakit sila nasa lower bracket para makatungtong sa grand final kung saan naghihintay ang kapwa nila MSC 2022 representative na RSG PH.


Smart Omega in-eliminate ang TNC Pro Team sa MPL PH S9

Smart Omega sinelyo ang huling MSC 2022 at MPL PH S9 grand final slots
Credit: ONE Esports

Bukod sa titulong Kings of SEA, binansagan din ang tropa nina Patrick “E2MAX” Caidic bilang Comeback Kings dahil sa husay nilang baliktarin ang mga laban na bakas ang kanlang pagkadehado.

Ganito pa nga ang nangyari sa unang mapa ng best-of-five, kung saan bumawi ang Barangay sa early game advantage na naitala ng mga Phoenix sa tulong ng Popol and Kupa ni Robee “Yasuwo” Pormocille. Inabot ng halos 26 minuto ang pagbawi sa tulong ng Clint ni Duane “Kelra” Pillas.

Matagal-tagal muli ang hinintay bago matuloy ang serye dahil sa technical pause. Gayunpaman, hindi nawala sa Smart Omega ang momentum matapos pangunahan ng Karina ni Dean “Raizen” Sumagui ang pag-atake.

Smart Omega sinelyo ang huling MSC 2022 at MPL PH S9 grand final slots
Credit: MPL Philippines | Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Game-high eight kills ang kanyang naitala para hiranging MVP ng mapa. Nag-ambag naman ang Lylia ni E2MAX ng 13 assists at dalawang kills kontra dalawang deaths.

Ginawa ng TNC Pro Team ang lahat para maiwasan ang nagbabadyang pagkabigo. Napasakamay nila ang mga comfort picks gaya ng Karina ni Daniel “SDzyz” Chu at Franco ni Ben “Benthings” Maglaque, at naglabas din sila ng baong Alice para kay Kramm.

Napigilan naman nila ang maagang pagwawala ng mga hari, pero ang pangingibabaw ng Baxia ni Raizen pagdating sa retrihan ang nagsilbing mitsa sa pagkakadehado ng mga Phoenix. Muli ring nagpakitang-gilas si Joshua “Ch4knu” Mangilog na naka-ilang multi-man Fatal Links.

Smart Omega sinelyo ang huling MSC 2022 at MPL PH S9 grand final slots
Credit: MPL Philippines | Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Tuluyang kinumpleto ng Smart Omega ang pagbabalik sa MSC 2022 at pagtungtong sa grand final matapos ang 18 minuto ng bakbakan.

Samantala, nagtapos sa ikatlong puwesto ang kampanya ng TNC Pro Team sa MPL PH S9. Susubukan naman ng Barangay na kumpletuhin ang kanilang lower bracket run at hiranging kampeon ng season.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Bakit naiyak si Kelra para kay Markyyyyy pagkatapos ng laglagan series sa pagitan ng OMG at ONIC? Narito ang dahilan