Inilahad ng MPL caster na si Theo “Uomi” Ignacio ang kanyang Power Rankings para sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Professional League Season 10 (MPL PH S10).
Sa episode 3 ng OMSIM ng ONE Esports, ibinigay ni Uomi ang kanyang opinyon tungkol sa walong teams ng MPL PH S10 at kung paano niya ipupwesto ang mga ito sa kanyang Power Rankings.

MPL PH S10 Power Rankings ayon kay Uomi
8, Bren Esports

Ipinaliwanag ni Uomi ang kanyang palagay kung bakit nasa pinakababa ng kanyang hanay ang Bren.
“Alam ko naman na maraming magbabago para sa Bren pero nandun tayo sa phase na hindi natin alam kung magiging effective ba talaga ‘yun,” sabi ni Uomi.
“I’m sure there will be some positive changes and Coach Duckey will try his best. But then again, last season, nakita talaga natin na patang medyo egul talaga sila.”
Sinabi rin ni Uomi na hindi siya umaasang mamamayagpag ang mga dating kampeon, pero kung papalarin man sila ay ituturing niya itong isang magandang surpresa.
7. NXP EVOS

Nanghingi ng paumanhin sa mga fans ng NXPE si Uomi, pero ipinaliwanag niya kung bakit nasa ibaba ng listahan ang team na paborito ng marami.
“Hindi naman sa wala akong tiwala NXPE, it’s more about parang hindi ko nakikita yung malaking possibility na they could suddenly be of the same caliber as RSG and Blacklist,” paliwanag niya. “Alam naman natin yung sinasabi ko dito. Parang may sariling liga yung RSG at Blacklist.”
Paniwala ng caster ay may kulang sa NXPE kung bakit mahihirapan silang makuha ang kampeonato para sa season na ito. “I feel like there’s something missing,” sabi ng caster.
“Meron silang kapangyarihan na manalo ng championship pero hindi nila ma-unlock ‘yun kasi parang may humaharang sa kanila mentally. That’s what I feel with NXPE.”
6. ONIC PH
Ayon sa caster, naniniwala siyang may palag ang mga amateurs pagdating sa pinakamalaking liga ng MLBB sa bansa. At bilang binubuo ng mga amateur players ang bagong roster ng ONIC PH, naniniwala siyang maganda ang ipapakita ng mga ito sa pagbabalik ng liga.
“I do think amateur players do have that certain edge against a lot of the veterans,” pahayag ni Uomi.
Pinagtibay pa ng caster ang kanyang opinyon sa pagsabing sinasang-ayunan siya ng isang dating champion, na hindi niya pinangalanan. Sinabihan daw siya ng dating kampeon na kung magkakaroon ng open qualifiers sa MPL ay mapapalitan ng mga amateur teams ang karamihan sa mga kasalukuyang MPL teams. Ganoon kalakas ang mga amateur teams ngayon sa Pilipinas.
5. ECHO

Alam ni Uomi kung gaano kagutom ang ECHO. Ayon sa kanya, “That desire to win is really great.”
“Bukod sa pagiging showman nila, yung desire talaga manalo and the way they show that to everybody is something that I respect a lot.”
Bukod pa dito, nagbigay din ng opinyon ang caster patungkol sa jungler ng ECHO na si Karl Gabriel “Karltzy” Nepomuceno at kung paanon ito magiging susi sa tagumpay ng team.
“Honestly, I feel like Karltzy should start living in the present,” sabi niya. “Alam natin na he used to be the best jungler in the world, pero kelangang bitawan niya na ‘yun eh.”
“At this point, I feel like Karltzy should just acknowledge the fact that he was the best jungler in the world, but then again, work his way towards being the best jungler in the world again.”
Paliwanag ni Uomi, kelangang maipakita ni Karltzy ang husay na nagpakilala sa kanya sa parating na season upang maging mas epektibong miyembro siya ng ECHO.
4. Smart Omega

Hindi naging mahaba ang paliwanag ni Uomi tungkol sa Omega dahil aniya’y alam na ito ng marami.
“Alam natin ‘to, classic Omega story,” sabi niya. “Kahit mag-sixth place yan, mag-fifth place yan sa regular season, pag nakapasok ng playoffs, wala ka nang kelangan isipin pa. Most likely, tatalunin nila yung favorite team mo.”
Isa pang komento ni Uomi tungkol sa Omega ay ang pagiging masyadong seryoso ng mga ito sa regular season. “Sana pag naglalaro sila, yung parang masaya pa rin sila sa ginagawa nila,” sabi ng caster.
“Feeling ko yun yung mas ok eh, mas gana eh. Yung papasok sila na maganda yung pakiramdam nila, hindi yung pressured sila na ‘pag natalo tayo dito, wala na,’ parang ganun.”
3. TNC Pro Team
Kay Ben “BenThings” Maglaque naman natuon ang pansin ni Uomi pagdating sa TNC Pro Team.
“Sinabi naman ni Benthings na gusto niya talaga mag-champion, and na-end up siya sa third place.”
Pinuri ng caster ang kabaitan at sipag ng kapitan ng TNC. Pero para magtagumpay ang team, kelangan daw na masabayan ng mga team members ang takbo ng isip ng kanilang kapitan. “Kelangan masabayan nila yung parang gigil na nilalabas ni BenThings tsaka ni Chu (SDzyz),” sabi ni Uomi.
“I’m not sure on how to fix this,” sabi niya. “Pero the fact that when we talk about TNC, the first 2 names na mame-mention antin is just Chu and BenThings, that means the rest should strive to keep up.”
2. Blacklist International

Alam ng caster na maraming kokontra sa kanyang paglagay ng M3 World champions sa ikalawang spot at hindi sa una. Pero maganda ang anging paliwanag niya dito.
“They’re the best out there. They’ve proven it constantly. The only reason that I put them on number 2 is the fact that RSG PH modeled their game after the prime Blacklist,” paliwanag niya. “And looking at what’s happening right now, they’ve won MSC, they’ve won MPL, and they are still growing.”
Binanggit ng caster na umusbong ang talent ng gma players ng RSG sa pagkawala ng VeeWise noong Season 9. Sa pagtatagpo ng dalawang teams sa Season 10, magkakaalaman kung sino na ang mas malakas.
1. RSG PH

Dito ipinaliwanag ni Uomi ang sa tingin niyang lamang ng RSG sa Blacklist.
“I feel like after, not really copying, but modeling their game after Blacklist and winning championships with it, and the way these children are built, kumbaga ang ganda ng mentality nila, maayos yung locker room nila, and maganda yung leadership nila, they could only grow so much pa eh.”
Binanggit rin ng caster ang isa sa mga malalakas na aspeto ng Blacklist lalong lalo na ng VeeWise, at sinabing kaya rin itong gawin ng RSG. “The strength of VeeWise is that they’re able to adapt into metas really quickly tsaka open silang matuto,” sabi ni Uomi. “But you know? Same could be said to RSG. Mas bata pa yung RSG. That’s my only reason why RSG is on top of my Power Rankings.”
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.