Mukhang nakahanap na ng bagong tahanan ang pinakamahusay na Valorant player sa buong mundo.

Naiulat na si Jaccob “yay” Whiteaker ay mapupunta sa Cloud9 bago pa magsimula ang VCT 2023 season, ayon kay George Geddes ng Dot Esports. Ang star ng OpTic Gaming at kanyang mga teammates ay pinayagang maghanap ng mga bagong oportunidad, ito ay matapos hindi makapasok ang kanilang organisasyon sa Americas league.

Nakilala si yay sa taong ito bilang pinaka-consistent na Valorant player sa buong mundo, kung saan pumwesto siya sa top five ng bawat international LAN event pagdating sa K/D at Average Combat Score (ACS).

Isa siya sa naging susi ng tagumpay para sa OpTic, na nagbigay sa kanila ng lakas upang makuha ang kampeonato sa Masters Reykjavik at top three finishes sa Copenhagen at Champions 2022.

Ang kanyang paglipat sa C9 ay nangangahulugang pagsali sa team na kinokonsiderang pinakamahusay sa North America noong Stage 1, kung saan makakasama niya sina Nathan “leaf” Orf at in-game leader na si Anthony ”vanity” Malaspina.

Yay napabalitang sasapi sa Cloud9

yay marved Champions 2022
Credit: Riot Games

Sinabi ni yay na bukas din siya sa mga alok mula sa mga teams sa EMEA league, ngunit sa huli ay nagpasya siya na manatili sa North America.

Ang 24-anyos ay nakatanggap ng maraming offers – hindi ito nakakagulat para isang player na may kalibreng tulad niya – kabilang na ang US$1 million deal mula sa isang APAC team.

Tinitignan din ng OpTic ang ibang mga offers kung saan maaaring magkasama-sama pa rin ang team, kabilang na ang Tier 2 Challengers circuit, ngunit sinabi ni yay na Malabo itong mangyari dahil sa laki ng halaga na kakailanganin para sa buyout.

Pinakawalan ng C9 sina Rahul “curry” Nemani at Mitch “mitch” Semago matapos makumpirma ng organisasyon na pasok sila sa franchising. Nawala sa organisasyon si Son “xeta” Seon-ho upang lumipat sa T1 noong May, at pumilit na nagsikap upang mahanap ang parehong tagumpay na nakuha nila noong Stage 2.

Hindi malayong si yay ang papalit sa pwesto ni mitch sa team. Si mitch ang naglaro bilang Chamber sa C9, habang si leaf naman ang kanilang panghunahing duelist.

Hindi pa malinaw kung sino ang magiging panlimang player ng C9. Dahil buikas ang controller role ng team, marami ang nag-iisip na sasama si Jimmy “Marved” Nguyen kay yay.

Ano man ang mangyari, ang nabubuong super team na ito ay may malaking potensyal na magdomina sa Americas league.

“If C9 lose one single match in 2023, I will shave my head bald,” sabi ni Adam “mada” Pampuch ng Shopify Rebellion.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.