Si Angela ang isa sa pinakamalalakas na utility support heroes sa Mobile Legends: Bang Bang.

Kaya niyang sumanib sa kaniyang mga kakampi gamit ang Heartguard, na nagbibigay ng pambihirang sustain sa hero para ma-dive ang kalaban. Bukod dito, puwede rin itong gamitin bilang pang-sagip sa kakampi.

Nagkakaroon siya ng extra movement speed bawat cast niya ng spell dulot ng kaniyang passive na Smart Heart, na pareho ang epekto sa kaniyang kakampi na sinaniban.

MAGING MAGALING NA ROAMER GAMIT ANG AMING GUIDES
4 roaming blessings sa Mobile Legends at best heroes para sa mga ito
MLBB 101: Ang Roam na role, mga dapat gawin, at mga hero para dito

Samantala, heal naman ang dulot ng kaniyang Love Waves, habang ang skill niya na Puppet-on-a-String ay may slow at immobilization effects sa kalaban.

Pambihira ang kayang gawin ng Angela lalo na kung tatambalan ng tamang heroes. Kung gusto mong patumbahin ang munting android na ito, heto ang ilan sa mabisang pangontra sa kaniya.

Tatlong mabisang heroes na pangontra kay Angela sa Mobile Legends

Natalia

Mobile Legends: Bang Bang assassin hero Natalia
Credit: Moonton Games

Specialty ng Natalia ang pag-burst down sa malalambot na heroes na tipikal na nasa backlines. Gamit ang kaniyang pamatay na combo, kaya niyang pitasin ang Angela bago nito ma-activate ang Heartguard.

Para magawa ito, abusuhin ang conceal state ng hero mula sa kaniyang Asssasin Instinct, at gamitin ang bush para mahanap siya. Bago pagulungin ang combo, gamitin ang Hero Lock Mode para maseguro ang targeting.

I-silence siya gamit ang isang Basic Attack, pagkaraan ay i-activate ang The Hunt para sa pambihirang damage. Pumulas mula sa labanan gamit ang Claw Dash at Smoke Bomb.

Para sa maximum damage, bumuo ng Blade of the Heptaseas, Malefic roar at Balde of Despair.

Saber

Mobile Legends: Bang Bang asssasin Saber wallpaper
Credit: Moonton Games

Isa ang Saber sa assassin heroes sa laro na may kakayahang punitin ang Angela ng mabilis.

Gamitin ang bush para sa ganks sa support. Bago ang lahat, i-activate ang Orbiting Sowrds, lumapit gamit ang Charge, pagkaraan ay kitilin siya gamit ang Triple Sweep. Muli, gumamit ng Hero Lock Mode para mas sigurado na sa suppor tatatama ang combo.

IBA PANG MLBB GUIDES
5 hero na mabisang ipang-invade ng jungle sa MLBB
5 roam hero na epektibo sa kahit anong meta sa Mobile Legends
Palakasin si Cici gamit ang 3 best items na ‘to sa Mobile Legends
Maging makunat sa gold lane gamit ang Karrie tank build
War Axe at Brute Force Breastplate: Ang iyong susi sa MLBB ranked games

Bumili ng Blade of the Heptaseas, Hunter Strike, Malefic Roar, Blade of Despair at Endless Battle para sa sandamukal na Physical Attack Damage.

Chou

Mobile Legends: Bang Bang fighter Chou wallpaper
Credit: Moonton Games

Kagaya din ng Natalia at Saber, isa ring pamatay na hero ang Chou sa larangan ng single target burst.

Para simulant ang kaniyang combo, gamitin ang unang dalawang activations ng Jeet Kune Do. Gamitin ang Shunpo para mas makalapit at pitikin ang natitirang hit ng Jeet Kune Do. Gamitin muli ang Shunpo para mapunta sa likod ng support at sipain siya palayo sa kaniyang base gamit ang The Way of Dragon.

Puwede ka ring gumamit ng Flicker para mas mabilis na makalapit sa madulas na hero.

Paano ang build ng tank Chou ni Yawi?

Sa sitawsyong ito, mas maigi na sa sidelanes nakapuwesto ang Chou para prayoridad ang Attack Damage items. Kung tank Chou ka naman, puwede parin na maging mabisa na pangontra ang hero sa pamamagitan ng pick off setup ng The Way of Dragon.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Paano mahanap ang tunay na unggoy sa Sun clones sa Mobile Legends