Hatid sa inyo kasama ang Samsung.

Maraming klase ng roam hero sa Mobile Legends: Bang Bang, pero iilan lang ang nananatiling matibay sa pagdaan ng iba’t-ibang anyo ng meta sa laro.

Nangingibabaw pa rin ang mga hero na ito sa paglipas ng mga season sa Land of Dawn dahil swak ang kanilang mga kapabalidad sa mga hinahanap ng mga manlalarong roamer upang makamit ang panalo.

Sa ONE Esports guide na ito, inilista namin ang mga hero na mabisa sa roam na role at ipinaliwanag kung bakit epektibo sila sa kahit anong meta sa MLBB.


Heto ang mga roam hero na gana sa lahat ng meta sa MLBB

Kaja

Mobile Legends: Bang Bang Skyblocker Kaja skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Isa si Kaja sa mga iilang hero na nagtataglay ng pinakamalakas na crowd control effect sa Land of Dawn – ang suppression – na nakapaloob sa kanyang ultimate na Divine Judgment. Ang suppression ay hindi kayang tanggalin ng Purify battle spell, at ng kahit anong skill na nakakapag-alis ng debuff.

Dahil dito, malakas ang Nazar King pagdating sa pickoff strategy, kung saan pinaparesan siya ng mga marksman na may burst damage, tulad nila Brody, Karrie, at Beatrix, o mga mage gaya nila Kagura at Pharsa.

Bukod sa kanyang ultimate, mayroon din siyang mobility spell na perpekto para sa kanyang ultimate, ang Lightning Bomb, at disenteng AOE damage skill na nakakapagbigay din ng HP, ang Ring of Order. Ang kanyang passive naman na Wrath Sanction ay may paralyze effect, na nakakapag-slow at nakakapagpahina sa damage ng mga kalaban.


Franco

Mobile Legends: Bang Bang Valhalla Ruler Franco skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Katulad ni Kaja, may taglay ding suppression si Franco sa kanyang ultimate ability na Bloody Hunt. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit halos hindi nawawala ang tank roam hero na ito sa meta.

Maliban pa riyan, kayang humila ng Frozen King ng mga kalaban gamit ang Iron Hook. Pwede niya rin itong gamitin para mang-invade ng jungle sa pamamagitan ng paghila ng buff monsters para ma-delay ang kalabang jungler.

Binibigyan naman siya ng kanyang passive na Wasteland Force ng karagdagang movement speed at HP regen. Dulot nito, mabilis at ligtas na nakakaikot ng mapa si Franco upang mang-gank o manggulo.

IBA PANG MLBB GUIDES
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito
5 pinakamatinding Flicker ultimate combos na pwedeng gawin
Gabay sa paglalaro kay Aldous: Best build, mga skill, emblem, at mga combo
Painitin si X.Borg gamit ang 3 best items na ‘to
3 dahilan kung bakit sulit ang Dominance Ice sa lahat ng tank

Grock

Mobile Legends: Bang Bang Code Name Rhino Grock skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Dala ng kanyang natatanging skill set, halos hindi nawawala si Grock sa meta bilang isang roam hero.

Gamit ang Guardian’s Barrier, nakakagawa siya ng pader na pangharang sa mga tumatakas o lumalapit na kalaban. Maaari niya rin itong gamitin para pigilan ang daloy ng minions, o ipang-reset ng mga objective tulad ng Lord at Turtle.

Gumuguhit ang kanyang poke damage mula sa Power of Nature, na nagbibigay din ng control immunity kapag ginamit malapit sa pader. Kaya niyang mang-knock up at stun gamit ang kanyang ultimate na Wild Charge.

Pagdating naman sa pagtangke ng damage, mabisa siyang tinutulungan ng kanyang passive na Earthen Force. Nagbibigay ito ng karagdagang physical defense at HP regen, kasama pa ang movement speed, kapag naglalakad ang Fortress Titan malapit sa pader o tore.


Khufra

Khufra Volcanic Overlord skin Mobile Legends wallpaper
Credit: Moonton Games

Kilala sa pagiging hard counter sa maraming hero, hindi maikakaila na kabilang ang tinaguriang “King of CC” si Khufra sa mga roam hero na napaka-epektibo sa anumang metang lumalabas sa Mobile Legends. Mayroon siyang iba’t-ibang klase ng control effects na talaga namang nakakasira ng diskarte.

Kaya niyang tumalon nang malayo at sorpresahin ng knock-up ang mga kalaban gamit ang Tyrant’s Revenge. Napupurnada niya ang Flicker at dash abilities salamat sa Bouncing Ball na nagpapataas din ng kanyang physical at magic defense, at may slow effect.

Ang ultimate skill niya na Tyrant’s Rage ay nagagamit niya upang i-displace ang kanyang mga target at i-stun sila kapag naihampas niya sa pader. Maging ang passive ng Desert Tyrant na Spell Curse ay may slow debuff at nagbibigay ng heal.


Chou

Mobile Legends: Bang Bang ECHO Chou skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Ilang seasons na ang nagdaan pero nanatiling solido na roam hero si Chou. Sa katunayan, sinulit ng ECHO ang paggamit sa kanya upang itanghal na kampeon ng M4 World Championship.

Bagamat hindi siya klasipikado bilang tank, ang mga skill ng Kung Fu Boy ay swak para sa mga trabaho ng isang roamer. Nagbibigay ang kanyang skill combo ng malaking potensyal para maka-pick off ng napakahalagang target sa panig ng kabilang koponan.

Nagtataglay siya ng kagila-gilalas na mobility gawa ng maraming dash mula sa kanyang unang dalawang abilities na Jeet Kune Do at Shunpo. Kaya naman madali siyang nakakaikot sa mapa. May knock-up effect din ang Jeet Kune Do, habang kaya naman sumupalpal ng CC ability ang Shunpo.

Higit sa lahat, kaya niyang sipain ang isang napakahalagang kalaban, tulad ng marksman-gold laner o jungler, gamit ang kanyang ultimate na The Way of Dragon para ma-isolate ito, at mapalapit sa kanyang mga kakampi na silang magbu-burst sa target.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita at guides patungkol sa MLBB.

BASAHIN: Tanggalin ang kulit ni Harith gamit ang 3 pangontra na hero na ‘to