Layunin ng “Tear It Off”, ang bagong music video na inilabas ng Moonton na pinagbibidahan nina Alodia “Boss A” Gosiengfiao, Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna, Andrea “Blythe” Brillantes, at Renejay “RENEJAY” Barcarse na basagin ang gender stereotypes sa esports at gaming.

Hindi maipagkakaila na dinodomina ng mga lalaking players ang Mobile Legends: Bang Bang.

Ilan ang mga professional players gaya nina Ramella ng IDNS at Viorenita “Vior” Sutanto ng ONIC Esports ang gumawa ng headlines matapos lumahok sa pinakamalaking mobile esports league. Nagsilbi silang hakbang sa pagbasag ng gender streotypes na wala na dapat lugar sa esports at gaming.

Ano man ang kasarian, naniniwala ang Moonton na para sa lahat ang MLBB at ito ang nais idiin ng “Tear It Off”.


Alodia, OhMyV33nus, Blythe, Renejay, bumida sa ‘Tear It Off’ music video

Pinagbibidahan ng mga celebrity gaya nina Alodia Gosiengfiao, Andrea Brillantes, at MPL PH superstars na sina OhMyV33nus, at RENEJAY ang bagong “Tear It Off” music video.

Tinatalakay ng kanta ang stereotype laban sa mga kababaihan alinsunod sa pagdiriwang ng Women’s History Month. Hinihikayat nito ang lahat na punitin na ang mga label at panghuhusga na inia-atas sa babaeng gamers. Halimbawa na lang ang kalokohang support lang ang role na dapat nilang punan o kaya’y Layla lang ang hero na alam nila.

In-address din ni OhMyV33nus ang mga ‘haters’ niya sa isang linya:

“Sinong nagsabi na Estes lang ang alam ko? Pati doon sa heroes ko pili at limitado?”

Alodia, OhMyV33nus, Blythe, Renejay, bumida sa 'Tear It Off' music video
Credit: Moonton Games

Nagpasiklab din ng dance moves si Andrea Brillantes. Hindi ito ang unang beses na naging tampok si Blythe sa mga proyekto ng Moonton dahil nauna na siyang lumabas sa Bagksanan Legends, isa pang MLBB music video kung saan tampok sina Setsuna “Akosi Dogie” Ignacio, Eric “Eruption” Tai, at Edgar “ChooxTv” Dumali.

Tampok din ang pagra-rap ng singer at Nexplay EVOS superstar na si RENEJAY sa bandang huli ng music video kasama si Blythe.

Mapapanood ang buong music video ng “Tear It Off” dito:


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL PH, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Ang silent killer na si ECHO KurTzy ang MVP ng Week 3 ng MPL PH S9