Magpapatuloy ngayong linggo ang maiinit na bakbakan sa Dota Pro Circuit (DPC) 2021-2022 Tour 1 o tinatawag ding Winter Tour matapos ang mahigit dalawang linggong holiday break.

Humigit-kumulang sa 190 matches na ang nilaro sa parehong Division 1 at Division 2 ng anim na rehiyon. Umakyat sa tuktok ng standings ang karamihan sa mga koponan na inasahang magdomina pero may iilan ding nagpakitang-gilas nang maaga para makaposisyong nang maganda sa pagpapatuloy ng liga.

Narito ang mga nangungunang koponan sa DPC Tour 1 sa kasalukuyan maging ang buong standings sa bawat rehiyon bago ang bakasyon:

Top teams at kasalukyang standings sa DPC Tour 1

Southeast Asia

Galing sa kanilang tatlong magkakasunod na kampeonato, nagbabagang pumasok ang BOOM Esports sa DPC Tour 1 SEA Division 1 at winalis ang kanilang unang apat na serye sa liga. Pinaluhod ng Indonesian squad na may apat na Pinoy players ang OB Esports x Neon, Fnatic, Team SMG at Motivate Trust Gaming para mahawakan ang top spot bago ang bakasyon.

Credit: BOOM Esports

Pumapangalawa sa BOOM ang The International 10 top eight finisher na T1 na na-sweep din ang kanilang unang dalawang matches kontra TNC Predator at SMG bago ma-postpone ang kanilang laro laban sa MG.Trust.

KOPONANSTANDINGS
BOOM Esports4-0
T12-0
Execration2-1
Fnatic2-2
MG.Trust2-2
Team SMG2-2
OB.Neon0-3
TNC Predator0-4

Nangunguna naman sa Division 2 ang all-Pinoy at Cebu-based team na Polaris Esports at Nigma Galaxy SEA na may parehong malinis na 4-0 kartada. Nasa gitna ng standings ang promising team na Talon Esports na kinabibilangan nila Kim “Gabbi” Villafuerte at Tal “Fly” Aizik.

Credit: Polaris Esports
KOPONANSTANDINGS
Polaris Esports4-0
Nigma Galaxy SEA4-0
Ragdoll3-0
Lilgun2-1
Talon Esports1-2
Army Geniuses1-4
Inter Active PH0-4
496 Gaming0-4

Magpapatuloy ang DPC SEA ngayong araw at nakatakdang magharap ang T1 at OB.Neon maging ang Team SMG at Execration sa Division 1.


Western Europe

Mukhang Team Liquid ang lumabas na big winner sa nangyaring mainit na roster shuffle sa Western Europe dahil sila ang nangingibabaw ngayon sa DPC Tour 1 Division 1 ng powerhouse na rehiyon.

Sa pagbabalik ni Lasse “MATUMBAMAN” Urpalainen at pagpasok ni Ludwig “zai” Wahlberg, tinalo ng Liquid ang dating koponan ng dalawa na Team Secret maging ang OG, Tundra Esports, Coolguys at Team Tickles.

Credit: Team Liquid

Tabla naman sa ikalawang pwesto ang OG at Team Tickles na may parehong 3-1 series record. Matatandaang dinurog ng young stars ng OG ang mga beterano ng Secret sa opening day ng DPC WEU Division 1.

KOPONANSTANDINGS
Team Liquid5-0
OG3-1
Team Tickles3-1
Tundra Esports2-2
Team Secret2-3
Alliance1-3
Nigma Galaxy1-3
Coolguys0-4

Sa Division 2, kasalukuyang nasa pinakataas ang Chicken Fighters na kinabibilangan ng beteranong Swedish pro player na si Adrian “Era” Kryeziu.

KOPONANSTANDINGS
Chicken Fighters4-0
Entity4-1
Brame3-1
Team Bald Reborn2-2
CHILLAX2-3
Ghost Frogs1-3
Into The Breach1-3
No Bounty Hunter0-4

Maglalaban ang Alliance at Nigma Galaxy mamayang gabi para buksan muli ang DPC WEU.


North America

Umaariba sa ngayon sa DPC Tour 1 North America Division 1 ang TI10 attendees na Team Undying at Quincy Crew. Maganda ang naging epekto ng pag-stick ng roster ng Undying at gayundin naman ang masasabi para sa Quincy Crew kahit na nagpalit ito ng dalawang player at pinasok sa lineup ang kanilang coach na si Maurice “KheZu” Gutmann.

Hindi pa nakakaharap ng dalawa ang powerhouse na Evil Geniuses, gayunpaman tila nangangapa pa ang koponan na kinuha ang two-time TI winner na si Jesse “JerAx” Vainikka at dating Virtus.pro standout na si Egor “Nightfall” Grigorenko noong offseason.

Credit: Valve
KOPONANSTANDINGS
Team Undying2-0
Quincy Crew2-0
Evil Geniuses2-2
Wildcard Gaming2-2
4Zoomers2-2
Black N Yellow1-3
Arkosh Gaming1-3
simply TOOBASED0-4

Pinangungunahan naman ng The Cut ang mga baguhang koponan na nagsasalpukan sa Division 2.

KOPONANSTANDINGS
The Cut4-0
5RATFORCESTAFF4-1
Team DogChamp3-1
felt2-2
5ManMidas1-3
KBU.US1-3
Team Magnus1-3
Electronic Boys1-4

Bukas ng umaga (GMT +8) magpapatuloy ang aksyon sa DPC NA.


Eastern Europe

Hindi natalo sa tatlong laro ang TI10 champion na Team Spirit sa DPC Tour 1 Eastern Europe Division 1 pero hindi sila ang nasa top spot ngayon kundi ang PuckChamp na nakasabak sa mas maraming laro.

Susubukan ng Team Spirit na panatilihin ang kanilang perpektong record at makaabante sa No. 1 spot ngayong linggo kung saan makakasagupa nila ang ASM Gambit at Natus Vincere.

Credit: Valve
KOPONANSTANDINGS
PuckChamp4-1
Team Spirit3-0
HellRaisers3-0
Natus Vincere2-1
Virtus.pro2-2
ASM Gambit1-3
Team Empire0-4
Team Unique0-4

Ang CIS Rejects na binubuo ng dating Virtus.pro players kabilang na si Roman “RAMZES666” Kushnarev ang angat sa Division 2 kasama ang HYDRA at V-Gaming. Samantala, ang koponan ni legendary midlaner Danil “Dendi” Ishutin na B8 ay hindi pa rin nakakapagtala ng panalo.

KOPONANSTANDINGS
CIS Rejects3-1
HYDRA3-1
V-Gaming3-1
Gambit Esports2-2
Nemiga Gaming2-2
Winstrike Team2-2
Fantastic Five1-3
B80-4

Nakatakdang magbalik ang DPC EEU bukas nang gabi sa pamamagitan ng mainit na tapatan sa pagitan ng Team Spirit at ASM Gambit.


China

Matapos itong maudlot dahil sa natagalang pag-uwi ng mga manlalarong sumali sa TI10, nagsimula ang DPC Tour 1 China Division 1 noong ikatlo ng Enero. At gaya ng inaasahan, nangunguna ngayon ang TI10 runner-up na PSG.LGD na pinadapa ang Team Aster at Phoenix Gaming.

Nakabwena mano rin ang Royal Never Give Up na tinatampok ang superstars na sila Lu “Somnus丶M” Yao, Yang “Chalice” Shenyi at Yap “xNova” Jian Wei–mga dating pambato ng LGD–maging ang mga kilalang orgs na Vici Gaming at EHOME.

NothingToSay
Credit: Valve
KOPONANSTANDINGS
PSG.LGD2-0
Royal Never Give Up1-0
Vici Gaming1-0
EHOME1-0
Invictus Gaming0-1
Team Aster0-1
LBZS0-1
Phoenix Gaming0-2

Samantala, natapos na ang Division 2 noong nakaraang buwan. Pasok sa Division 1 sa susunod na Tour ang Xtreme Gaming na pinagbibidahan ni Zhang “Eurus” Chengjun maging ang Team Magma.

KOPONANSTANDINGS
Xtreme Gaming5-2
Team Magma5-2
Sparking Arrow Gaming4-3
ShenZhen4-3
Aster.Aries4-3
Ybb Gaming4-3
Neptune Gaming1-6
CDEC Gaming1-6

Sa ikapito ng Enero ang sunod na match day ng DPC CN kung saan magbabanggaan ang ONE Esports Singapore Major champion Invictus Gaming at EHOME bago ang salpukang Vici Gaming-Aster.


South America

Agad na bumangon ang Thunder Predator mula sa nakakadismayang 0-14 na kampanya nito sa TI10 sa pamamagitan ng matinik na panimula sa DPC Tour 1 South America Division 1. Mabangis din ang pinapakita ng beastcoast na napagdesisyunan na manatiling buo sa kabila ng kanilang 13th-16th place finish sa TI10.

Credit: Thunder Predator
KOPONANSTANDINGS
Thunder Predator4-0
beastcoast3-0
APU King of Kings3-1
INF.UESPORTS2-2
NoPing e-sports1-2
Hokori1-3
Lava1-3
SG esports0-4

Nangunguna naman sa Division 2 ang emerging squad na Infinity.

KOPONANSTANDINGS
Infinity4-0
Balrogs3-1
Gorillaz-Pride3-1
Interitus2-1
Omega Gaming2-2
Wolf Team1-3
Inverse1-4
Unknown Team0-4

Magbabalik ang DPC SA sa ikapito ng Enero (GMT +8) kung saan maglalaban ang beastcoast at NoPing esports.


Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita at istorya patungkol sa DPC Tour 1.