Magsisimula na ang ika-10 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH).

Para salubungin ang pinaka-iintay na turneo, nagsama-sama ang ilan sa mga casters at analysts ng liga para ilista ang kanilang power rankings sa OMSIM, isang podcast na hatid ni Caisam “Wolf” Nopueto at ng ONE Esports Philippines.

Nahahati sa apat na pangkat ang MPL PH S10 power rankings ni Wolf na pinangibabawan ng kampeon ng MLBB Southeast Asia Cup 2022 na RSG PH at M3 World Championship title-holder na Blacklist International.

Ang MPL PH S10 power rankings ni Wolf

  1. RSG PH
  2. Blacklist International
  3. TNC Pro Team
  4. ECHO
  5. Smart Omega
  6. Nexplay EVOS
  7. ONIC Philippines
  8. BREN Esports

Top 1 at 2: RSG PH at Blacklist International

MPL PH S10 power rankings ni Wolf: 51% RSG PH, 49% Blacklist International para sa top spot
Credit: MPL Philippines

Gaya ng parati niyang ginagawa, nakabase ang MPL PH S10 power rankings ni Wolf sa pinakahuling resultang naitala ng bawat koponan kaya’t inilista niya ang RSG PH nang mas mataas kesa sa Blacklist International.

Noong 31st Southeast Asian Games huling naglaro ang Blacklist International. Tinalo nila ang pambato ng Indonesia na binubuo ng mga miyembro ng RRQ Hoshi, ONIC Esports, at EVOS Legends para iuwi muli ang gintong medalya.

MPL PH S10 power rankings ni Wolf: 51% RSG PH, 49% Blacklist International para sa top spot
Credit: MPL Philippines

Nitong MSC 2022 naman ang para sa RSG PH. Banat ni Wolf, dahil winalis lang nina Jonard “Demonkite” Caranto ang grand finals kontra RRQ Hoshi, kung tutuusin daw ay ang Pinoy team na Smart Omega pa rin ang huling tinalo ng koponan.

Dagdag puntos din daw para sa defending MPL PH champions ang pagbabalik nina Jonmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie James “Wise” Del Rosario sa liga dahil sa gutom nilang makaharap ang mga “big boss.”

Top 3 at 4: TNC Pro Team at ECHO

MPL PH S10 power rankings ni Wolf: 51% RSG PH, 49% Blacklist International para sa top spot
Credit: TNC Pro Team

Mas pabor para kay Wolf ang mga koponang may sinusunod na sistema kumpara sa mga agresibo. Ito ang dahilan kung bakita inilagay niya ang TNC Pro Team at ECHO sa mas matataas mga puwesto.

Marahil daw ay hindi pa hinog ang TNC noong nakaraang season kaya’t bigo silang maiangat ang tropeo, pero ngayong nabigyan na sila ng oras para kabisaduhin ang galawan ng isa’t-isa, mas nagtitiwala na siya sa kakayahan ng mga ito.

MPL PH S10 power rankings ni Wolf: 51% RSG PH, 49% Blacklist International para sa top spot
Credit: ECHO

Samantala, hindi raw sana ganon ka kumbinsido si Wolf sa konsepto ng “Team A at Team B” na ipinakita ng ECHO noong qualifiers para sa 14th World Esports Championship ng International Esports Federation. Pero nang malaman niyang paghahaluin ng koponan ang mga miyembro, mas mailalabas daw sa ganitong paraan ang potensyal ng mga manlalaro.

Top 5: Smart Omega

MPL PH S10 power rankings ni Wolf: 51% RSG PH, 49% Blacklist International para sa top spot
Credit: MPL Philippines

Sa MPL PH S10 power rankings ni Wolf, tinawag niya ang Smart Omega bilang “lurker”.

Inaasahan niya kasing mahihirapan pa ang mga taga-Barangay lalo na kung tuluyang papalitan ni Kiel VJ “KielVJ” Hernandez si Patrick “E2MAX” Caidic sa midlane. Paliwanag niya, ang kapitan ng koponan daw kasi ang pundasyon na nagbubungkos sa mga miyembro nito at hindi pa siya sigurado kung kaya itong gawin ng tank nilang si Joshua “Ch4knu” Mangilog.

Gayunpaman, iginiit din ni Wolf na ang Smart Omega ay isang tipo ng koponang hindi tinatablan ng power rankings. Ano’t-ano man kasi ang mangyari, iba pa rin ang naipamamalas nilang husay pagpasok sa playoffs.

Top 6, 7, at 8: Nexplay EVOS, ONIC Philippines, at Bren Esports

MPL PH S10 power rankings ni Wolf: 51% RSG PH, 49% Blacklist International para sa top spot
Credit: Nexplay Esports

Para sa bottom three ng MPL PH S10 power rankings ni Wolf, pinangalanan niya ang Nexplay EVOS, ONIC Philippines, at BREN Esports.

Hindi raw pantay-pantay ang tsansa ng mga ito na mapabilang sa anim na koponang makaka-abante sa playoffs, pero pantay-pantay ang kakayahan nilang ilaglag ang isa’t-isa.

Nasa ika-anim na puwesto ang Nexplay EVOS dahil naniniwala siyang kaya ni Mariusz “Donut” Tan na maging isa sa mga pinakamagaling na gold laner sa liga, pero hindi siya kumbinsido sa desisyong tanggalin sina Raniel “URESHIII” Logronio at Jeff “S4gitnu” Subang.

MPL PH S10 power rankings ni Wolf: 51% RSG PH, 49% Blacklist International para sa top spot
Credit: ONIC PH

Inilagay naman niya sa mas mataas na posisyon ang ONIC Philippines dahil kinuha ng organisasyon ang buong miyembro ng koponan mula sa amateur team. Hindi na raw sila masyadong magkakapaan pagdating sa chemistry at makatutulong din ang karanasang nakalap ni Nowee “Ryota” Cabailo sa ilang seasons niya sa liga.

MPL PH S10 power rankings ni Wolf: 51% RSG PH, 49% Blacklist International para sa top spot
Credit: Bren Esports

Nasa ikawalong puwesto ng MPL PH S10 power rankings ni Wolf ang Bren Esports dahil gaya ng kanyang sinabi, pinagbabasihan niya ang huling resulta ng koponan. Bakas daw na may problema pa pagdating sa decision-making ang grupo nang maaga itong malaglag sa qualifier ng 14th WE Championship.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MPL PH Season 10: Storylines, schedule, resulta, format, at saan mapapanood