Winalis ng RSG PH ang TNC Pro Team sa upper bracket finals ng MPL Philippines Season 9 para maka-abante sa grand finals at maging isa sa kinatawan ng Pilipinas sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC) 2022.

Kung paano hinimay ng mga Phoenix ang Smart Omega kahapon, gayun din ang ginawa ng Raiders sa kanila. Sinubukan nilang sumandal sa mga dating gawi at naglabas din sila ng bagong baon, pero handang-handa ang RSG PH.


RSG PH ang unang grand finalist ng MPL PH S9

RSG PH pasok sa MPL PH S9 finals at MSC 2022
Credit: MPL Philippines

Sa unang mapa ng serye, in-etsa-puwera ng TNC Pro Team ang Tank Jungle meta matapos bigyan si Daniel “SDzyz” Chu ng Hayabusa kontra sa Baxia ni Jonard “Demonkite” Caranto.

Bigong makapagbigay ng impact ang assassin, kahit pa nakuha ni Ben “Benthings” Maglaque ang kanyang Franco, at ni Mark “Kramm” Rusiana ang kanyang Esmeralda. Ginulungan lang sila ng Baxia, na hinirang bilang MVP matapos magtala ng siyam na kills at assists, nang hindi namamatay.

RSG PH pasok sa MPL PH S9 finals at MSC 2022
Credit: MPL Philippines | Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Nagpatuloy ang pagpapakitang-gilas ng 19-taong-gulang na jungler bilang Fanny sa sumunod na mapa. Sinubukan pa itong kontrahin ni Jomarie “Escalera” Delos Santos, na naglabas ng Kaja, pero tutok ang RSG PH sa tuwing gumagamit ito ng Divine Judgment.

Wala ring hero mula sa hanay ng TNC Pro Team ang makalapit sa backlines ng Kingslayers kaya’t namayagpag ang Yve ni Aqua, na hinirang na nagpamalas ng game-high 12 assists at 77% kill participation.

RSG PH pasok sa MPL PH S9 finals at MSC 2022
Credit: MPL Philippines | Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Muling nagpamalas ng husay sa drafting si Coach Brian “Panda” Lim pag pasok sa huling mapa. Inipit nila ang mga hero ni Robee “Yasuwo” Pormocille para mapilitan itong magtiyaga sa Popol and Kupa.

Hindi pinaglagpas ng ni Eman “Emann” Sangco ang pagkakataong pangibabawan ang kanyang katapat sa gold lane. Ang kanyang Brody ang nakapagtala ng pinakamataas na gold per minute, na kanyang ginamit para kumana ng game-high na anim na kills at apat na assists kontra dalawang death.

RSG PH pasok sa MPL PH S9 finals at MSC 2022
Credit: MPL Philippines | Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Haharapin ng RSG PH bukas sa best-of-seven grand final ang magtatagumpay sa lower bracket final sa pagitan ng TNC Pro Team at Smart Omega.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Coach Panda ibinahagi ang malalim na koneksyon niya sa kanyang RSG PH players: ‘If I fail, this team will carry me’