Nagpasiklab na naman si Pinoy stand-in carry Kim “Gabbi” Santos at pinagbidahan ang 2-1 victory ng T1 laban sa BOOM Esports upang makapasok sa championship series ng Dota Pro Circuit (DPC) Winter Tour Southeast Asia Regional Finals, Sabado ng gabi.

Pumutok si Gabbi sa kanyang Razor para pangunahan ang dominanteng panalo ng T1 sa deciding Game 3 ng upper bracket final at siguruhin ang at least second-place finish na may premyong US$25,000 o mahigit P1.2 milyon at 130 DPC points.


Razor ni Gabbi bumida sa Game 3 ng T1 vs BOOM Esports upper bracket final match

Game 3 MVP ang Razor ni Gabbi
Credit: T1

Nagbunga ang last pick ng T1 na Razor para sa 23-year-old Pinoy star carry na dinomina ang lane laban sa Underlord ni Saieful “Fbz” Ilham at Winter Wyvern ni Timothy “Tims” Randrup. Kinuha rin ng koponan ang Lightning Revenant bilang mabisang counter sa Lifestealer ni Souliya “JaCkky” Khoomphetsavong.

Mabilis na nakuha ng Razor ni Gabbi ang Falcon Blade, Black King Bar at Linken’s Sphere, at sinilaban ang mainit na pag-arangkada ng The International 10 Top 8 finisher sa laro.

Armado na rin ng Shiva’s Guard, Refresher Orb at Eye of Skadi, nilatigo ng Razor ni Gabbi ang mga miyembro ng BOOM at nilista ang rampage sa isang clash sa bandang 44-minute mark.

Napatagal pa ng BOOM nang kaunti ang laro dahil sa solidong high ground defense nito mula sa Firestorm ni Underlord, Splinter Blast ng Wyvern at Torrent ng Kunkka ni Japoy “Yopaj” Ferrer.

Ngunit hindi kinaya ng Radiant structures ang Aghanim’s Scepter-upgraded na Eye of the Storm ng Razor ni Gabbi na tuluyang tinuldukan ang 54-minute game nang may 43-9 kill score at 67K gold lead pabor sa T1.

Kumana ang Razor ni Gabbi ng nakakalulang 16-1-19 kill-death-assist record (81% kill participation) at bumitaw ng pinakamataas na damage sa laro na umabot sa 57.4K.

Mahusay rin ang naging performance ni Pinoy midlaner Karl “Karl” Santino sa kanyang Batrider (11-3-24) na sinimulan ang ilang crucial na pickoff ng koponan.

Sina Gabbi (Terrorblade) at Karl (Puck) din ang nagpakitang-gilas sa Game 1 ngunit nakapwersa ng decider ang BOOM sa likod ng halimaw na Phantom Asssassin ni Jackky na nagtala ng 13-0-8 stats.


BOOM Esports haharapin ang Team SMG sa LB final

Gaya ng resulta ng harapan nila sa DPC SEA Tour 1 Division 1, muling natalo ang BOOM Esports sa T1 at dahil dito ay bumagsak sila sa lower bracket ng DPC SEA Regional Finals.

Makakasagupa ng Division 1 champ na BOOM ang fourth seed na Team SMG sa best-of-three lower bracket final para sa karapatang umabante sa title series at makakuha ng karagdagang DPC points na mahalaga para makaselyo ng direct invite sa The International.

Surpresang winalis nila birthday boy Kam “Moon” Boon Seng at SMG ang Division 1 2nd placer na Fnatic kanina sa lower bracket round 1.

Credit: Beyond The Summit

Maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga karagdagang istorya patungkol sa DPC Regional Finals.