Hatid sa inyo kasama ang Samsung.

Pamoso ang mage/assassin hero na si Kadita sa kanyang kakahayan na pumuksa ng kalaban gamit ang kanyang matinik na skill combos sa Mobile Legends: Bang Bang.

Ang kanyang first skill na Ocean Ode ay mabisang gap closer dahil nagbibigay ito sa kanya ng control immunity at damage reduction. Dagdag pa rito, nakakatagos rin ito sa mga obstacle at terrain, kabilang na ang mga pader at tore.

Samantala, kaya naman niyang mang-knock up gamit ang kanyang second skill na Breath of the Ocean, at maaari niya itong ma-cast habang nakasakay sa alon ng Ocean Ode.

IBA PANG ARTIKULO PATUNGKOL KAY KADITA
Labanan si Kadita sa Mobile Legends gamit ang 3 best counters na ‘to
Si Kadita ang isa sa mga pinakamalakas na roamer ayon kay AURA God1va

Swak ang kanyang unang dalawang skill para i-set up ang kanyang pamatay na ultimate, ang Rough Waves. Mas masakit ang damage nito kapag mas malapit ka sa iyong target sa punto ng pag-cast nito.

Kung nais mong masaksihan ang totoong potensyal ng Ocean Goddess, kailangan mong malaman kung paano pagsusunod-sunurin ang kanyang spells.

Sa ONE Esports guide na ito, ituturo namin ang iba’t-ibang Kadita combos na maaari mong gamitin sa magkakaibang sitwasyon.


3 Kadita combos para tunawin ang mga kalaban sa MLBB

Mobile Legends: Bang Bang mage/assassin hero Kadita
Credit: Moonton Games

Full combo + Petrify: Skill 1 > Petrify > Skill 2 > Ultimate

Ito ang pinaka-basic pero napakaepektibong combo na pwede mong gawin kay Kadita. Dahil may kaunting delay ang Breath of the Ocean, kakailanganin mo ng Petrify battle spell upang ma-immobilize ang iyong target at masigurong tatamaan ito ng knock-up.

Upang simulan ang combo na ‘to, sugurin ang iyong target gamit ang Ocean Ode. Pagkalapit sa kalaban, i-activate ang Petrify para ma-immobilize ito sa kanyang puwesto.

Agad na i-cast ang Breath of the Ocean upang masiguro na mana-knock up ang target habang naka-Petrify. Sunod na gamitin ang Rough Waves para tuluyang makuha ang kill.



Maaari kang lumapit pa sa iyong target para mas mahapdi ang damage ng Rough Waves.

Mainam na paiksiin ang combo na ito sa mga sitwasyon kung saan maraming crowd control abilities ang kabilang koponan.

Ipagpaliban mo ang paggamit ng Breath of the Ocean, at sa halip ay dumiretso sa pag-activate ng Rough Waves. Sa paraang ito, maiiwasan mo ang CC ng kalaban na makakapag-udlot ng iyong combo, at maaari pang maging sanhi ng iyong pagkamatay.

IBA PANG MLBB GUIDES
Alin sa 3 Retribution ang swak para sa’yo sa Mobile Legends?
3 hero na mabisang pangontra kay Lancelot sa Mobile Legends
3 hero na sulit gamitan ng Basic Common Emblem sa MLBB
3 pro tips kung paano ma-secure ng Turtle sa Mobile Legends
Ang trabaho ng Mid Laner sa MLBB at bakit ito tinawag na ‘Pos 4’

Petrify chase: Skill 1 > Skill 2 > Ultimate > Petrify

Mabisa ang combo na ito kung may Purify battle spell o kahit anong pangtanggal ng CC ang iyong target.

Gamitin ang Ocean Ode para makalapit sa kalaban, at pagkatapos ay i-cast ang Breath of the Ocean sa puwesto niya.

Kapag ginamit niya ang Purify o anumang pantanggal ng CC (tulad ng Needles in Flowers ni Wanwan), ipagpatuloy mo pa rin ang pag-cast ng Rough Waves.

Habang nasa ilalim ng lupa, sundan mo ang iyong target. Hindi ka magagamitan ng CC habang nasa underground dahil ikaw ay untargetable. Bukod pa riyan, magkakaroon ka rin ng karagdagang movement speed.

Sa puntong maabutan mo na ang kalaban, i-trigger mo ang Petrify upang mapatigil siya sa kanyang puwesto at masigurong tatamaan ng mga pabalik na projectile ng Rough Waves.



Full combo + Flicker: Skill 1 > Skill 2 > Ultimate + Flicker

Gaya ng pangalawang combo sa listahan, epektibo rin ang combo na ito kung may panakas ang iyong target. Gana rin ito kung sakaling hindi mo mapatama ang Breath of the Ocean, at sorpresahin ang iyong kalaban.

I-cast ang Ocean Ode para makalapit sa target mo, sabay gamitin ang Breath of the Ocean sa kanyang puwesto.

Kapag natanggal niya ang knock-up effect o kaya naman maiwasan ito, i-trigger mo pa rin ang Rough Waves. Bago matapos ang skill cast animation ng iyong ultimate o bago akmang lumubog sa lupa si Kadita, agad na mag-Flicker papunta sa posisyon ng iyong kalaban upang matamaan siya nito.

Katulad ng ibang Flicker-ultimate combos, kakailanganin mong sanayin ang Rough Waves-Flicker trick upang ma-master ito.



Heto pa ang ilang combo guides para kila Paquito, Alpha, Yu Zhong, at Roger.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: War Axe vs Hunter Strike: Ano ang dapat bilhin sa 2 physical penetration items na ito