Naging kaabang-abang ang kampanya ng Nexplay EVOS sa MPL Philippines Season 9 para sa buong komunidad, hindi lang sa marami nitong taga-suporta.

Sa kauna-unahang pagkakataon kasi simula nang makapasok sila sa liga noong ika-anim na season, sumabak ang koponan nang wala ang kanilang tank na si Tristan “Yawi Cabrera, na umalis para sa ECHO.

Winatak ng nasabing roster change ang ‘Big Three’ ng Nexplay EVOS na binubuo niya kasama sina Renejay “RENEJAY” Barcarse at John Paul “H2wo” Salonga.

Bilang kapalit, pinuno ng koponan ang kanilang roster ng mga rookie. Dumami ang tanong tungkol sa kakayahan nilang makipagsabayan sa ibang koponan sa MPL PH, na agad naman nilang nasagot nang magtapos sa ikalawang puwesto ang kanilang kamapanya sa SIBOL qualifiers.

Hindi naman nalayo ang pagpapakitang-gilas nila sa SIBOL sa naging resulta ng Nexplay EVOS sa regular season sa MPL PH S9. Nakapagtala kasi sila ng 19 na puntos, mula sa anim na panalo at walong talo, para maselyo ang ika-apat na puwesto.

Ang resulta ng kampanya ng Nexplay EVOS sa regular season ng MPL PH S9

Ang kampanya ng Nexplay EVOS sa regular season ng MPL PH S9
Credit: MPL Philippines

First half ng regular season

KALABANISKOR
RSG PH0 – 2
ONIC PH2 – 0
Blacklist International2 – 1
Bren Esports2 – 0
Smart Omega1 – 2
TNC Pro Team2 – 1
ECHO0 – 2*

* Nanalo by default ang ECHO matapos mabigong makarating ang Nexplay EVOS bago ang itinakdang oras ng laban.

Nakapagtala ng tatlong sunod-sunod na panalo ang nagsilbing panimula sa kampanya ng Nexplay EVOS sa regular season. Bukod sa pagpapakitang-gilas ng kanilang rookies kontra ONIC PH, tampok din si ‘The Hitman’ na naglaro bilang tank sa tagumpay ng kanyang koponan laban sa Blacklist International.

Sa mas mataas na puwesto sanang magtatapos ang kampanya ng Nexplay EVOS sa unang bahagi ng regular season kung hindi dahil sa aberyang kanilang pinagdaanan bago ang serye kontra ECHO.

Nauwi kasi sa default win para sa ECHO ang laban matapos mabigo ang Nexplay EVOS na makarating sa venue sa itinakdang oras.

Second half ng regular season

Ang kampanya ng Nexplay EVOS sa regular season ng MPL PH S9
Credit: MPL Philippines
KALABANISKOR
RSG PH0 – 2
ONIC PH1 – 2
Blacklist International1 – 2
Bren Esports2 – 0
Smart Omega0 – 2
TNC Pro Team0 – 2
ECHO2 – 0

Mas malaki kumpara sa inaasahan ang naging epekto ng insidente sa moral ng koponan. Tatlong sunod-sunod naman na pagkatalo ang kanilang tinamo sa ikalawang bahagi ng regular season.

Dahil dito, nagkaroon pa ng bahagyang tsansa na hindi sila makapasok sa playoffs. Nauwi pa ang desisyon sa itinadhanang serye kontra bagong koponan ni Yawi.

Isang puntos lang ang kailangan sana ng Nexplay EVOS para maselyo ang kanilang tiket sa playoffs pero winalis nila ang ECHO, tila para patutsadahan ang dati nilang manlalaro at bumawi sa pagkaka-default.

Nexplay EVOS, babanggain ang ONIC PH sa playoffs

Ang kampanya ng Nexplay EVOS sa regular season ng MPL PH S9
Credit: MPL Philippines

Nag tig-isa ng panalo ang dalawang koponan kontra sa isa’t-isa noong regular season. At dahil sa bagong playoff rule, pinili ng ECHO na magharap muli ang Nexplay EVOS at ONIC PH para sa play-ins ng MPL PH S9.

Nakasalalay sa serye ang tiket para makapasok sa double-elimination bracket ng playoffs. Ang mananalo ay makaka-abante para harapin ang second seed na TNC Pro Team, habang matutuldukan naman ang kampanya ng matatalo.

Bukod sa pinakamalaking bahagi ng higit ₱3 milyong prize pool, nakasalalay din sa turneo ang pagkakataon ng Nexplay EVOS na maging kinatawan ng Pilipinas para sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022, na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nakatakdang iraos ang best-of-five serye sa pagitan ng Nexplay EVOS at ONIC PH sa ika-28 ng Abril, sa ganap na ika-apat ng hapon.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MPL PH Season 9 playoffs: Schedule, resulta, format, at saan mapapanood