Marami ang nasurpresa sa naging kampanya ng RSG PH sa regular season ng MPL Philippines Season 9.

Kung pagbabasihan lang ang mga power rankings ng mga casters at talents bago muling magsimula ang paligsahan, wala sa kanila ang nag-akalang pangingibabawan ng Raiders ang standings.

Matapos ang walong linggong pagpapasiklab ng koponan, isa na sila ngayon sa mga paboritong manalo sa turneo. Bagay na hindi na nakakagulat lalo na’t nagtala ang RSG PH ng 31 puntos, mula sa 11 panalo at tatlong talo, bago pumasok sa MPL PH S9 playoffs.


Ang resulta ng kampanya ng RSG PH sa MPL PH S9 regular season

Ang kampanya ng RSG PH sa regular season ng MPL PH S9
Credit: MPL Philippines

First half ng regular season

KALABANISKOR
Nexplay EVOS2 – 0
Bren Esports2 – 0
Smart Omega2 – 0
TNC Pro Team0 – 2
ECHO0 – 2
Blacklist International2 – 1
ONIC PH2 – 1

Nagsimula ang kampanya ng RSG PH sa unang bahagi ng regular season nang may tatlong sunod-sunod na panalo. Walis ang inabot ng lahat ng bumangga Raiders, kabilang na ang panalo kontra Bren Esports na isa sa pinakamabilis na laro ng season.

Bahagya namang napagal ang pag-arangkada ng koponan nang lumipat sa live setup ang turneo simula sa ikatlong linggo ng reguar season. Nakapag-adjust naman agad ang tropa nina Jonard “Demonkite” Caranto sa tulong ng tanyag nilang coach na si Brian “Panda” Lim.


Second half ng regular season

Ang kampanya ng RSG PH sa regular season ng MPL PH S9
Credit: MPL Philippines
KALABANISKOR
Nexplay EVOS2 – 0
Bren Esports2 – 0
Smart Omega2 – 1
TNC Pro Team2 – 0
ECHO2 – 0
Blacklist International1 – 2
ONIC PH2 – 0

Pagpasok ng second half, dito na tuluyang inangkin ng RSG PH ang tugatog ng standings. Simula noong laban nila kontra Blacklist International noong ikatlong linggo, hindi natalo sa serye ang koponan para magtala ng pitong win streak.

Sa isang post-game interview, ibinahagi ni Clarense “Kousei” Camilo na mahalagang maselyo ng koponan kahit ang top two para manatiling buo ang kanilang roster.

Mission accomplished naman ang Raiders matapos nilang maselyo ang playoff spot nang mas mabilis kesa sa lahat ng koponan. Hinirang din na MVP ng regular season ang bagong saltang tank player nila na si Dylan “Light” Catipon.


RSG PH, haharapin ang ONIC PH sa playoffs

Ang kampanya ng RSG PH sa regular season ng MPL PH S9
Credit: MPL Philippines

Matapos ang tagumpay ng ONIC PH kontra Nexplay EVOS sa play-ins ng turneo, magsisimula na sa wakas ang kampanya ng RSG PH sa playoffs.

Sa dalawang beses na nag-harap ang kalauna’y top seed at fifth seed ng regular season, bigong maisahan nina Allen “Baloyskie” Baloy ang Raiders.

Sa kabutihang palad, wala pang magpapaalam sa dalawang koponan ano man ang maging resulta. May lower bracket pa kasing sasalo sa kung sino man ang mabibigo sa best-of-serye.

Nakatakdang iraos ang harapan ng RSG PH at ONIC PH sa ika-29 ng Abril, sa ganap na ikapito ng gabi.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Mas tumitindi ang focus ng Smart Omega sa playoffs, sabi ni Renzio