Inanunsyo ng TSM star player na si Matthew “Wardell” Yu ang kanyang Valorant pro tier list sa isang video na kinunan bago pa amgsimula ang VCT NA Stage 1 Challengers.

Ang tier list ni Wardell ay base sa player mechanics, accomplishments, flexibility, at kanilang pang-unawa sa laro, kung kaya’t mataas ang tingin nya sa mga in-game leaders. Binanggit din nya na naniniwalang syang lahat nang nasa tier list nya ay mga mahuhusay na pros.

Narito ang kanyang pag-rank sa mga pro players.

Valorant pro tier list ni TSM Wardell

Valorant Wardell Valorant Pro Tier List
Credit: TSM

S-tier

PLAYERSTEAMS
TenZSentinels
nAtsGambit Esports
cNedAcend
SubrozaTSM
ScreaMTeam Liquid
Asuna100 Thieves
SicKSentinels
MarvedTeam Envy
CrashiesTeam Envy
YayTeam Envy
ChronicleGambit Esports
LeafCloud9
KeznitKRU Esports
ZeekAcend
HazedNRG

A-tier

PLAYERSTEAMS
BoasterFnatic
steelT1
PatiphanX10 Esports (Retired)
ZellsisVersion1
VanityCloud9

B-tier

PLAYERTEAM
Hiko100 Thieves

C-tier

PLAYERSTEAMS
zekkenXSET
bangTSM (inactive)

D-tier

PLAYERSTEAMS
ShahZaMSentinels
zombsSentinels

Karamihan sa mga players ay pasok sa S-tier. Sina Tyson “TenZ” Ngo at Ayaz “nAts” Akhmetshin ang dalawang nangunguna sa kanyang tier list, na sinundan naman ng mga Valorant Champions 2021 winners na sina  Mehmet Yağız “cNed” İpek at Aleksander “zeek” Zygmunt. Nagbigay rin ng special mention si Wardell sa kanyang teammate na si Yassine “Subroza” Taoufik, at kay Hunter “SicK” Mims ng Sentinels, kung saan pinuri nya ang dalawa bilang mga nakakabilib na flex players na kayang bumuhat sa laro gamit ang anumang agent.

Sina Jake “Boaster” HowlettJoshua “steel” Nissan, at Anthony “vanity” Malaspina ay nasa ranggong A-tier sa kanyang tier list dahil sa kanilang husay bilang mga in-game leaders.

Naniniwala ang TSM star player na si Spencer “Hiko” Martin ay nangingibabaw lamang sa mga clutch situations, kung kaya’t inilagawy nya ito sa B-tier. Ang mga bata at papasikat pa lang na mga player na sina Zachary “zekken” Patrone and Sean “bang” Bezerra ay napunta naman sa C-tier dahil kulang pa sila sa pro experience, ayon kay Wardell.

Kinumpleto nya ang kanyang Valorant pro tier list sa paglagay sa kanyang mga katunggaling Sentinels sa D-tier. Ang malatang performance ni Shahzeb “ShahZaM” Khan sa Valorant Champions 2021, at ang unsportsmanlike conduct ni Jared “zombs” Gitlin patungkol sa Brazil ang dahilan kung bakit sila napwesto sa lower rank.

Marami nang pinagdaanan at nabuong kwento ang pagiging magkaribal nina Wardell at ShahZaM kahit noong bago pa sila sumikat sa Valorant. Nilinaw naman ni ShahZaM kamakailan na walang alitan na namamagitan sa kanilang dalawa, ngunit palagi silang nagkakatapat sa parehong roster positions sa kanilang mga teams noong panahong mga pro CS:GO players pa sila.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.