Marami ang nag-predict at umasa na aarangkada ang ONIC PH sa itaas ng standings ng MPL Philippines Season 9 lalo pa’t galing sila sa back-to-back runner-up finishes sa nakaraang season at sa M3 World Championship. Sa kasamaang palad, hindi ito ang naganap.

Naging masalimuot ang kampanya ng Yellow Hedgehogs ng Pinas sa regular season ng MPL PH. Naging dikit ang halos lahat ng mga panalo nila habang ilang beses rin silang nakalasap ng sweep sa kasagsagan ng kanilang kampanya.

Sa pagtatapos ng regular season, tumabla sila sa Nexplay EVOS sa 19 points mula sa 8-6 series win-loss record pero sila ang nalaglag sa No. 5 spot dahil sa head-to-head disadvantage kontra NXPE.

Narito ang naging kampanya ng ONIC PH sa regular season ng MPL PH Season 9.


Resulta ng mga laban ng ONIC PH sa regular season

ONIC PH
Credit: MPL Philippines

First half ng regular season

KALABANISKOR
Blacklist International2-1
Nexplay EVOS0-2
Bren Esports2-0
Smart Omega1-2
TNC Pro Team2-1
ECHO2-1
RSG PH1-2

Maganda ang panimula ng ONIC PH sa MPL PH Season 9 nang binyagan nila ang bagong roster ng Blacklist International sa kanilang finals rematch, 2-1. Ngunit winalis sila ng Nexplay EVOS sa kanilang ikalawang match sa Week 1.

Aminado si ONIC gold laner Marky “Markyyyyy” Capacio na naging kampante sila sa unang linggo kaya naman binalikan nila ang kanilang galawan sa MPL PH S8 at M3 upang agad na makabawi sa pamamagitan ng 2-0 sweep laban sa Bren Esports.

Matapos madiskaril ng 1-2 pagkatalo sa Smart Omega, naka-bounce back ang koponan ni coach Denver “Yeb” Miranda ng magkasunod na 2-1 panalo kontra TNC pro Team at ECHO kung saan pinagana nila ang kanilang Johnson-Kadita combo.

‘Di naman naging maganda ang pagtatapos ng kanilang first half dahil natalo sila sa kamay ng RSG PH.

Second half ng regular season

Credit: MPL Philippines
KALABANISKOR
Blacklist International2-1
Nexplay EVOS2-1
Bren Esports0-2
Smart Omega2-1
TNC Pro Team0-2
ECHO2-1
RSG PH0-2

Muling tinalo ng ONIC PH ang Blacklist sa kanilang ikalawang pagtatapat at nakaganti naman sila sa NXPE kung saan bumida ang Franco ni kapitan Allen “Baloyskie” Baloy. Ngunit matapos nito, pagewang-gewang na ang naging resulta ng kanilang mga laban.

Nakatikim sila ng 0-2 upset defeat sa kamay ng Bren bago bumawi ng 2-1 panalo kontra Omega sa likod ng Paquito ni Markyyyyy. Natalo ulit sila sa pamamagitan ng isang sweep laban sa TNC pero nakabangon naman dala ng isa na namang 2-1 win kontra ECHO.

Ngunit kinapos ang koponan na mapaganda ang kanilang posisyon sa standings matapos walisin ng rumaragasang RSG PH sa kanilang huling serye.


ONIC PH makakaharap ang Nexplay EVOS sa playoffs

Credit: MPL Philippines

Bilang top seed papasok ng MPL PH Season 9 playoffs, pinili ng RSG PH na makatapat ang Nexplay EVOS sa kanilang bracket at nilagay naman nila ang ECHO sa bracket ng TNC Pro Team. Pinili naman ng ECHO ang Smart Omega sa halip na ONIC PH bilang unang kalaban nila.

Dahil sa mga ito, nakatakdang magsagupaan ang ONIC at NXPE sa play-ins. Ang mananalo sa kanilang best-of-five series ay aabante para kalabanin ang No. 2 seed na TNC samantalang ang matatalo naman ay magpapaalam na sa torneo at magtatapos sa 5th-6th place.

Nakataya sa MPL PH Season 9 playoffs ang dalawang slot ng rehiyon sa Mobile Legends Southeast Asia Cup 2022. Ang dalawang grand finalists ang papasok sa MSC 2022 na gaganapin sa isang LAN setup sa Hunyo sa Kuala Lumpur, Malaysia.


Sundan ang mga pangyayari sa MPL PH Season 9 playoffs sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.